Sunday, May 19, 2019

Mahal na Araw


 Taon-taon ay pinagdiriwang natin ang Mahal na Araw sa iba't-ibang paraan. Bahagi ng ating panata ang pagpepenitensya tulad paglalakad habang hinahampas ang kanyang likod hanggang sa ito ay magsugat. Mayroon ding pabasa. Ang iba naman ay nagpapapako sa krus, tulad ng aking nasaksikhan.

 Habang ako ay nasa sa Sta. Lucia, San Fernando, Pampanga ay aming napanood ang tradisyunal na pagpapapako sa krus tuwing Biyernes Santo.

 Nagkaroon ng pagsasadula o senakulo papunta sa Cutod o burol kung saan magaganap ang pagpapapako. Libo-libong mga tao na karamihan ay turista ang pumunta at nakisama sa paglalakad upang masaksihan ang pagpapapako. Hindi alintana ng mga tao ang init at pagod, ng mga oras na yun aking nakita kung gaano kasidhi ang pananampalataya ng ating mga kapwa Pilipino.



 Aking nasaksihan hindi lang paghihirap at sakripisyo ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng pagsasadula, gayon din ang pananampalataya ng bawat isa.


2 comments:

  1. sakripisyo din manood diyan fren init.๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

    ReplyDelete

Photo Exhibit